Tunay Kang Matapat
O kahangahangang Diyos ng pag-ibig Sa luklukang banal lumalapit Humihingi ng awa at pananalig Ang biyayang tapat anong rikit Kahit magpalit ang mga dahon Mananatili Ka sa panahon Ikaw pa rin ang bukas at ang kahapon Ika'y laging tapat Panginoon Tunay Kang matapat Di kumukupas Walang paglilo ang Iyong landas Di ka magbabago at lilipas Tunay Kang matapat Hanggang wakas Awa mo't pag-ibig ay sagana Pagpapala'y di rin nagbabawa Pangakong tiyak kaysa tala Laging tumutupad sa pagsinta Kahit kami minsa'y makalimot Di nagbabago ang iyong loob Ang puso Mong tapat Ang syang nagdulot ng panghalinang Tungo sa Krus