lyrics, recipes and more

Awit Ng Barkada


Nakasimangot ka na lang palagi

Parang ikaw lang ang nagmamay-ari

Ng lahat ng sama ng loob

Pagmumukha mo ay hindi maipinta

Nakalimutan mo na bang tumawa

Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa 



Kahit sino pa man ang may kagagawan

Ng iyong pagkabigo

Ay isipin na lang na ang buhay

Kung minsan ay nagbibiro

Nandirito kami, ang barkada mong tunay

Aawit sa iyo

Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa

Kami'y kasama mo

O ikaw naman



Kung sa pag-ibig may pinagawayan

Kung salapi ay huwag nang pag-usapan

Tayo'y 'di nagbibilangan

Kung ang problema mo'y magkatambakan

ang mga utang 'dio na mabayaran

Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan



Kasama mo

Kasama mo

Kasama mo