lyrics, recipes and more

Anak


N'ong isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang Nanay at Tatay mo`y

Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pag-tulog mo

At sa gabi napupuyat ang iyong Nanay

Sa pag-timpla ng gatas mo

At sa umaga nama`y kalong ka nang iyong Ama

Tuwang-tuwa sa `yo

Ngayon nga`y malaki ka na

At nais mo`y maging malaya

Di man sila payag walang magagawa

Ikaw nga`y biglang nagbago

Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila`y sinuway mo

Di mo man lang inisip

Na ang kanilang ginagawa`y para sa `yo

Pagkat ang nais mo`y masunod ang layaw mo,

Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw

At ang landas mo`y naligaw

Ikaw ay nalulung sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan

Ang `yong Inang lumuluha

At ang tanong anak

Ba`t ka nagkaganyan

At ang iyong mga mata`y

Biglang lumuha nang di mo napapansin

Pagsisisi ang sa isip mo`t nalaman mo ika`y nagkamali

Pagsisisi ang sa isip mo`t nalaman mo ika`y nagkamali

Pagsisisi ang sa isip mo`t nalaman mo ika`y nagkamali.....