lyrics, recipes and more

Dadalhin Kita Sa Aking Palasyo


ang pangarap ko'y...

nagmula sa'yo...

sa'yong ganda ang puso'y di makalimot

tuwing kapiling ka, tanging nadarama

ang pagsilip ng bituin sa'yong mga mata

ang saya nitong pagibig

sana ay di na mag-iiba



ang pangarap ko ang 'yong binubuhay

ngayon nagmamahal na sa'kin na tunay

at ang tinig mo'y parang musika

nagpapaligaya sa munting nagwawala

ang sarap nitong pag-ibig

lalo pa noong sinabi mo



chorus:

dadalhin kita sa'king palasyo

dadalhin hanggang langit ay manibago

ang lahat ng ito'y pinangako mo

dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko



nang mawalay ka sa aking pagsinta

bawat saglit gabing lamig ang himig ko

hanap ang yakap mo haplos ng 'yong puso

parang walang ligtas kundi ang lumuha

ang hapdi din nitong pag-ibig

umasa pa sa sinabi mong



repeat chorus



umiiyak, umiiyak ang puso ko

ala-ala pa ang sinabi mo

noong nadarama pa ang pag-ibig ko



repeat chorus



ang lahat ng ito'y pinangako mo

dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko